3 July 2024
Calbayog City
Overseas

11 katao patay sa pagsabog sa Dominican Republic

HINDI bababa sa labing isa ang patay kasunod ng pagsabog sa isang maliit na bayan sa Dominican Republic.

Sinabi ni President Luis Abinader, na sampung iba pa ang nawawala habang limampu’t siyam ang nasugatan.

Niyanig ng pagsabog ang commercial area sa san Cristobal, labing walong milya ang layo mula sa kabisera na Santo Domingo.

Matapos ang malakas na pagsabog ay sumiklab naman ang sunog na tumagal ng ilang oras bago tuluyang naapula.

Ayon sa mga otoridad, kabilang sa mga nasawi ang apat na buwang gulang na sanggol.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *