MAHIGIT sampung milyong Debotong Hindu na humihiling ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan ang lumusong sa holy waters sa Northern India sa loob ng apat na oras, sa pagdiriwang ng Kumbh Mela Festival.
Dinagdagan ng mga awtoridad ang bilang ng mga pulis at may naka-standby na air ambulances sa Prayagraj City sa Uttar Pradesh State, para sa isa sa mga pinakabanal na araw ng Hindu Festival, na itinuturing na World’s Largest Gathering of Humanity.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Naniniwala ang mga Hindu na ang paglublob sa tubig, kung saan nagtatagpo ang ganga, yamuna at ispiritwal na saraswati, ay makapagpapawala ng mga kasalanan at katumbas ito ng kanilang muling kapanganakan.
