22 November 2024
Calbayog City
National

Israeli government, nangakong patatawirin na ang lahat ng pinoy na naipit sa Gaza, ayon kay pangulong Bongbong Marcos

Nangako ang Israeli government na patatawirin na nito ang lahat ng Pilipino na naipit sa Gaza sa harap ng bakbakan ng Israeli forces at teroristang grupong Hamas.

Sa ipinatawag na press conference sa Malakanyang, inihayag ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakausap na ni Philippine Ambassador to Israel Junie Laylo Jr. si Israeli President Isaac Herzog.

Nangako umano ang Israel na palalabasin na nito ang lahat ng Pinoy sa Gaza ngayong sabado.

Tiniyak naman ni Marcos na nakahanda na ang mga bus na susundo sa mga Pilipino sa Rafah Crossing sa border ng Egypt.

Sa kabila nito, sinabi ng pangulo na may mga Pinoy sa Gaza na nagdadalawang-isip pa ring umalis, kabilang ang mga pinay na naka-pangasawa ng Palestinians.

Nasa mahigit isandaan at tatlumpu pa ang mga Pinoy na kasalukuyang nasa Gaza.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *