31 July 2025
Calbayog City
Metro

100 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo, Maynila

SUMIKLAB ang sunog sa isang Residential Area sa Barangay 93, sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Tondo Fire Station, nagsimula ang apoy sa Victor Lopez Compound sa Capulong Street.

Dahil sa malakas na hangin ay nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang sunog.

Nasa tatlumpung kabahayan ang nilamon ng apoy at tinaya sa isandaang pamilya ang nawalan ng tirahan.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng sunog na nagsimula umano sa second floor ng isa sa mga bahay.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.