Isa ang nasawi habang isa ang sugatan sa sunog sa isang warehouse ng plastic sa Guiguinto, Bulacan.
Ayon sa Guiguinto Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang sunog ay nagsimula madaling araw ng Miyerkules (Dec. 13) na umabot sa ikalawang alarma.
Pasado alas 7:00 na ng umaga nang magdeklara ng fireout ang BFP Guiguinto.
Isang lalaki ang nasawi sa insidente kung saan ang katawan nito ay natagpuan sa ikalawang palapag ng warehouse.
Pinaniniwalaang ang makina na nasa likurang bahagi ng warehouse ang pinagmulan ng apoy.
Paalala ng MDRRMO sa mga residente at mga kumpanya, ugaliing mag-check ng mga gamit, maging maingat at mapagmasid upang maiwasan ang mga hindi inaasahang inisidente, gaya ng sunog.