KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs na isang Pinay ang nasawi sa missile attack sa Haifa, Israel.
Namatay din sa missile attack ang asawang Israeli ng Pinay at ang kanyang parents-in-law.
ALSO READ:
Naganap ang missile attack noong gabi ng April 5, araw ng Linggo.
Ayon sa DFA, ipinaalam na ng Philippine Embassy sa Tel Aviv sa pamilya ng Pinay ang insidente.
Tumutulong na rin ang embahada sa pangangailangan ng pamilya ng Pinay, kasama na ang pagsasaayos ng repatriation ng bangkay nito.




