AABOT pa sa 1.7 million na mga bata sa Mindanao ang kailangang mabakunahan kontra tigdas.
Sa nagpapatuloy na Ligtas Tigdas campaign ng Department of Health, higit isang milyong bata na ang nabakunahan sa anim na rehiyon sa Mindanao.
ALSO READ:
Ito ay sa loob lamang ng isang Linggo o mula January 19 hanggang 25.
Ayon sa DOH, ngayong Linggo ay magpapatuloy ang pagbabakuna para maabot ang iba pang bata na wala pang bakuna laban sa tigdas.
Sa mga magulang na mayroong anak na edad anim hanggang limampu’t siyam na buwan o wala pang limang taong gulang, maaaring magtungo sa vaccination site na malapit sa kanilang lugar.
Kabilang dito ang mga health center o mga barangay.




