NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng 1.6 billion pesos para sa pagpapatupad ng mga hakbang upang matugunan ang pagsipa ng presyo ng karneng baboy sa merkado.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, gagamitin ang budget sa pagbili ng 13,000 finishers at 30,000 breeders sa ilalim ng Hog Repopulation Program.
ALSO READ:
Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, dinemanda ang mall goer na nasa viral video
FDA, LTO, at BIR, nanguna sa listahan ng mga ahensya na may pinakamaraming reklamo ngayong 2025
LTFRB, naglabas ng 1,500 Special Permits bago ang Christmas rush
Mahigit 134,000 katao, naapektuhan ng Bagyong Wilma at Shear Line – DSWD
Sinabi ni Castro na target ng DA na makapag-produce ng one million finishers, habang naghihintay ng mga bakuna laban sa African Swine Fever (ASF).
Idinagdag ng Palace official na ang hakbang ng da ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing abot-kaya sa mga mamimili ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
