28 September 2025
Calbayog City
Local

1.3K na mga barangay sa Eastern Visayas, pinag-iingat sa Landslides at mga pagbaha dulot ng Bagyong Opong

NAGBABALA ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa mataas na posibilidad ng landslides at pagbaha sa 1,342 na mga barangay sa Eastern Visayas bunsod ng Tropical Storm Opong.

Ayon sa MGB, mula sa kabuuang bilang, 1,035 na mga barangay ang Highly Susceptible sa pagbaha habang 307 ang mataas ang posibilidad na tamaan ng landslides.

Nasa 90 ang Highly Landslide-Prone Communities sa Northern Samar; 81 sa Leyte; 65 sa Samar; tatlumpu sa Eastern Samar; dalawampu’t siyam sa Biliran; at labindalawa sa Southern Leyte.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).