Inaprubahan ni Senate President Tito Sotto III ang 12-hour pass ni dating DPWH assistant district engineer Brice Hernandez.
Ibig sabihin ay papayagan si Hernandez na makalaya pansamantala sa pagkakadetine niya sa senado sa loob ng dose oras.
ALSO READ:
Finger heart sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bbagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Ito ay para makuha ni Hernandez ang mga dokumento o ebidensya na maaaring makasuporta sa kaniyang mga testimonya sa imbestigasyon sa flood control anomalies.
Ang mga makakalap na ebidensya ni Hernandez ay maaari din niyang isumite sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Ang 12-hour leave ni Brice ay para ngayong araw ng Sabado, September 20.
Kinakailangan din niyang makabalik sa detention facility ng senado ngayong araw.