IBINUNYAG ng actress at vlogger na si Bea Borres na isinilang na niya ang kanyang anak na babae na pinangalanan niyang Victoria Hope.
Sa posts sa kanyang social media accounts, ibinahagi ng celebrity mom na naiuwi na niya sa wakas ang kanyang baby matapos manatili sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) sa loob ng 44 days.
ALSO READ:
Lian Paz, nilinaw na hindi sila co-parenting ng dating mister na si Paolo Contis
Sexbomb girls, naghahanda para sa 3 pang reunion concerts
TV Host Bianca Gonzalez, dismayado sa mas mahal na travel cost sa Siargao kumpara sa ibang bansa
Claudine Barretto, inakusahan ng kidnapping ang kanyang personal assistant
Ito ang unang pagkakataon na isiniwalat ni Bea na nanganak na siya, at ikinatuwa ito ng kanyang fans.
Sinabi ng content creator na kung sa tingin ng mga tao ay malakas siya, mas malakas ang kanyang baby Hope, dahil mas mahirap ang pinagdaanan nito.
Sa litrato, makikitang proud na karga ni Bea si baby Hope, na sa kanyang pahiwatig ay isinilang niya noong Dec. 15, 2025.
