NAGLABAS ng panibagong babala ang Israeli military sa mga residente sa southern suburbs ng kabisera ng Lebanon na Beirut para lumikas.
Sa social media post, sinabi ng tagapagsalita na si Avichay Adraee na patuloy ang operasyon at mga pag-atake ng Israel Defense Forces (IDF) sa imprastraktura ng Hezbollah sa rehiyon.
Pinayuhan ang mga residente sa Haret Hreik, Laylaki, Haddad, at Borj El-Branjeh na agad na lisanin ang kanilang mga tahanan upang hindi masaktan.
Una nang inihayag ng Health Ministry na umakyat na sa 1,072 ang bilang ng mga nasawi mula nang magsimula ang kaguluhan.




