IKINASAL na ang aktor na si Mikoy Morales sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Isa Garcia.
Sa Instagram, ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center ang ilang larawan mula sa wedding ceremony na ginanap sa St. John Bosco Parish Church sa Makati City noong Sabado.
ALSO READ:
Zaijian Jaranilla, tikom ang bibig sa estado ng relasyon kay Gela Atayde
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Present sa kasal ang celebrity friends ni Mikoy na sina Juancho Trivino, Chariz Solomon, John Feir, at kanyang best woman na si Mikee Quintos.
Na-engage sina Mikoy at Isa noong Pebrero ng nakaraang taon.
Kalaunan ay isiniwalat ng aktor na gumawa siya ng pekeng pelikula at nagdaos kunwari ng “premier night” para makapag-propose sa kanyang nobya.
