HINDI madaanan ang ilang kalsada sa bahagi ng Samar at Leyte dahil sa pagbaha at landslides, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang sa mga hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang road sections sa Taft, Eastern Samar, lalo na ang mga Barangay Malinao, San Pablo, at Mabuhay.
ALSO READ:
Mahigit 196 billion pesos na halaga ng mga proyekto, inendorso ng Regional Development Council sa Eastern Visayas
Calbayog bishop, hinikayat ang lahat na maging instrumento ng pag-asa at pagbabago sa lipunan
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Regional Level Top 7 Most Wanted Person, arestado ng Calbayog CPS
Tinaya ng DPWH ang lalim ng baha sa isandaang sentimetro, hanggang kahapon ng hapon.
Naiulat din ang landslide sa San Miguel – Babatngon Road sa may Barangay Pinarigusan, dahilan kaya delikadong daanan ang kalahati ng lansangan.
Sa Mayorga, Leyte, isinara ang road section sa Barangay Liberty bunsod din ng baha, pati na rin sa Barangay Payao sa Villaba, Leyte.
