INAKUSAHAN ng kidnapping ng aktres na si Claudine barretto ang kanyang personal assistant na si Ma. Solita “Marisol” Acap.
Sa livestream video sa kanyang Facebook page, diretsahang sinabi ng aktres na kinidnap ng kanyang long time PA ang kanyang mga anak na sina Sabina, 21 years old; Santino, 18 years old; at Quia.
ALSO READ:
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Bukod kay Marisol, pinagbintangan din ni Claudine ang ilang fans na umano’y nakikipagsabwatan sa kanyang pa para kalabanin siya at magsagawa ng extortion activities sa iba pa niyang mga tagahanga.
Gawain umano ng grupo na gamitin ang kanyang pangalan at kanyang mga anak para manghingi ng pera sa ilang fans.
