13 March 2026
Calbayog City
Province

2 Chinese na nagpanggap bilang Pinoy, timbog sa Iligan City

ARESTADO ang dalawang Chinese nationals sa Iligan City na parehong nagpanggap na Pinoy at nakakuha pa ng mga government-issued ID gamit ang pekeng Filipino names.

Kinilala ang dalawang dayuhan na sina Baogui Xu, singkwenta’y tres anyos at Lizun Cai, singkwenta anyos na dinakip dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.

Ayon sa ulat ng BI Intelligence Division, si Cai ay gumagamit din ng pangalang “Mia Chua Co” habang si Xu naman ay ginagamit ang pangalang “Stanny Co”.

Nang maaresto ay kapwa ipinakita ng dalawa sa mga otoridad ang kanilang Chinese passport.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).