Sisimulan na ng BTS member na si Suga ang kaniyang mandatory military service sa Sept. 22.
Ayon sa Bighit Music, si Suga ay sasailalim na sa military training.
Sinabi ng Bighit na walang inaasahang anumang event sa pormal na pagpasok ni Suga sa training camp.
Kaya naman umapela ang kumpanya sa fans na huwag nang magtungo sa lugar at iwasan din na puntahan si Suga sa kaniyang workplace sa kasagsagan ng kaniyang service.
Sa halip, sinabi ng Bighit na inaasahan nilang patuloy na susuporta ng fans si Suga hanggang sa makumpleto nito ang serbisyo. Si Jin na eldest member ng BTS ay una ng pumasok sa military service noong Dec. 2022 habang sumunod naman si J-Hope noong Abril.