Inanunsyo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na babawasan nito ang Gross Gaming Revenue (GGR) remittance rate para sa online at on-site betting platforms simula sa April 1.
Sinabi ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco na ang hakbang ay upang makahikayat ng mas maraming gaming investments sa Pilipinas.
Naniniwala si Tengco na ang pagtapyas ng remittance rate ay epektibong hakbang upang makumbinsi ang mga iligal na nag-o-operate na kumuha ng lisensya mula sa PAGCOR, na magreresulta sa pagtaas ng licensing at regulatory revenues ng ahensya.
Sa pagtaya ng PAGCOR, makalilikha ang local gaming industry ng 336.38 billion na GGR ngayong 2024.