Natagpuang walang buhay ang labing isang climbers matapos ang pagputok ng Merapi Volcano sa Indonesia.
Nailigtas naman ang tatlo pang climbers, habang mayroon pang nawawalang labindalawa.
Ayon sa mga otoridad, mayroong naitalang pitumpu’t lima na posibleng naroroon ng mangyari ang pagsabog ng bulkan.
Pansamantala ay inihinto muna ang paghahanap sa mga nawawala para na rin sa kaligtasan ng mga rescuer.
Noong linggo, Dec. 3 ay nagbuga ng abo ang bulkan.
Hanggang araw ng lunes ay patuloy na nakapagtatala ng maliliit na pagsabog sa Mt. Merapi. Nauna ng nailikas ang apatnapu’t siyam na climbers kung saan karamihan sa kanila ay ginagamot sa tinamong sunog sa kanilang katawan.