Pinangunahan ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang 1st quarter meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa Calbayog Convention Center.
Tinalakay sa pulong ang update ng water district sa supply ng tubig at plano ngayong 2024 na iprinisinta ni Engineer Fernan Bohol, OILC-Manager NF Calbayog Waters, Inc.; update ng kooperatiba sa supply ng kuryente at plano ngayong taon na ibinahagi ni Engineer Edson Piczon, General Manager ng SAMELCO Uno; at ang mga programa at plano ng Bureau of Fire Protection na tinalakay ni Fire Chief Inspector Joshua Dangatan.
Bukod kay mayor Mon na siyang Chairman ng CDRRMC, present din sa pulong sina City Councilor Marc Celino Tan, Committee Chairman on Disaster Risk Reduction and Management, at Dr. Sandro Daguman, CDRRMO Officer.