Ipinagtanggol ni San Miguel Corp. (SMC) President and CEO Ramon Ang, ang New Manila International Airport (NMIA) project sa Bulacan, sa gitna ng mga batikos na posibleng magpataas pa ito ng baha sa lugar.
Sa statement, sinabi ni ang na ang NMIA o Bulacan Airport project ay itinatayo hindi sa reclaimed land, kundi sa existing low-lying land na vulnerable sa matinding pagbaha at kinonvert sa commercial fishponds.
Binigyang diin ng SMC Chief na mahalagang linawin ang pagtatayuan ng airport project ng kumpanya sa harap ng diskusyon kamakailan tungkol sa Manila Bay reclamation projects.
Idinagdag ni Ang na ang konstruksyon ng airport project ay saklaw ng Republic Act 11506 at hindi kailangan lumikha ng bagong lupa mula sa Manila Bay.