6 October 2024
Calbayog City
National

Publiko, hinikayat ng Malakanyang na dumalo sa kick-off rally ng “Bagong Pilipinas” sa Jan. 28

HINIKAYAT ng Malakanyang ang publiko na dumalo sa kick-off rally ng “Bagong Pilipinas” sa Quirino Grandstand sa Maynila sa araw ng Linggo, January 28.

Sa Facebook page ng Presidential Communications Office (PCO), hinimok ang lahat na maging bahagi ng pagbabago para sa sarili, komunidad, at bayan.

Magsisimula ang kick-off rally 6:00 ng gabi kung saan inaasahang dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Inaasahan din ang pagdalo ng iba pang opisyal ng gobyerno at ilang mga celebrities at personalidad. 

Mag-uumpisa ang pagtatanghal ng ilang mga celebrity alas 3:00 ng hapon. 

Kaugnay ng nasabing aktibidad ay pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang bahagi ng Rizal Park at mga kalapit na lansangan sa nasabing petsa.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *