Binigyan ng apat na buwan ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) para tapusin ang irrigation projects, sa harap ng inaasahang pagtindi pa ng El Niño.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Balbalungao dam sa Nueva Ecija, sinabi ng pangulo na ramdam na ang epekto ng tagtuyot, at pagsapit ng Enero ay maaaring mas dumalang pa ang pag-uulan.
Posible aniya itong makaapekto sa suplay ng tubig, kuryente, at maaari ring magdulot ng sakit dahil sa matinding init.
Bunsod nito, ipinaalala ni Marcos na kailangang puspusan nang paghandaan ang pinaka-matinding bugso ng El Niño, at dapat nang tapusin at patakbuhin sa loob ng apat na buwan ang mga proyekto sa irigasyon.