28 August 2024
Calbayog City
National

Pangulong Bongbong Marcos bumisita sa puntod ng kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani

TUMAGAL nang mahigit isang oras ang pag-bisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa puntod ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kahapon.

Matapos ang idinaos na misa sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, umalis ang pangulo bago mag-alas onse y medya ng umaga.

Bukod sa Presidential Security Group, umalalay din sa pag-alis ng Pangulo sina Philippine Army Chief Roy Galido, at PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr.

Bago naman umalis ay naki-salamuha pa ang Pangulo sa daan-daang mga taga-suporta ng pamilya Marcos.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *