5 February 2025
Calbayog City
Local

Pagtugis sa iba pang miyembro ng armadong grupo na nakasagupa ng mga pulis sa Sta. Margarita, Samar, pinaigting ng mga otoridad

armadong grupo

Pinaigting ng mga otoridad ang pagtugis sa iba pang mga miyembro ng armadong grupo na nakasagupa ng mga pulis sa Sta. Margarita, sa Samar.

Ang naturang bakbakan ay nagresulta sa pagkasawi ng tatlong pulis at ikinasugat ng apat na iba pa.

Sinabi ni Police Major Marjorie Manuta, Eastern Visayas Police Regional Office Spokesperson, na lahat ng police units na malapit sa encounter site ay inalerto para dakpin ang mga miyembro ng criminal group.

Pitong suspects ang naaresto ng PNP, at nakumpiskahan ng iba’t ibang mga armas at mga bala pagkatapos ng engkwentro, sa Barangay Mahayag.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *