4 February 2025
Calbayog City
National

Pagkakaisa, kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa panawagan ni Pangulong Marcos sa bawat Pilipino sa pagpasok ng taong 2024

SA pagpasok ng taong 2024, hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bawat isa na magpakita ng pagkakaisa, kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangulo na sa pagpapalit ng taon, iiwan ang mga hamon at yayakapin naman ang panibagong oportunidad at pag-asa.

Ang panibagong simula ay magbibigay-daan aniya upang alalahanin ang mga tagumpay sa nagdaang taon.

Hinikayat din ng pangulo ang bawat isa na gamitin ang mga karanasan at natutunan sa nagdaang taon.

Panawagan ni Pangulong Marcos sa sambayanan na mag-ambag para sa kinabukasan ng bansa.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *