6 October 2024
Calbayog City
National

Pagbasura ng Sandiganbayan sa Ill-Gotten Wealth Case laban sa mga ari-arian ng mga Marcos, ibinasura ng Supreme Court

PINAGTIBAY ng Supreme Court ang naunang desisyon ng Sandiganbayan na nagbasura sa Ill-Gotten Wealth Case laban sa mga ari-arian ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at iba pang personalidad.

Sa animnapu’t dalawang pahinang desisyon, pinagtibay ng SC en banc ang June 2012 decision Ng anti-Graft Court at Sept. 2012 Resolution na nagbasura sa pangalawang amended complaint ng pamahalaan para sa revision, reconveyance, restitution, accounting, at damages.

Ang mga ari-arian ni Marcos Sr. ay kinakatawan nina dating First Lady Imelda Marcos at kanilang mga anak na si Senador Imee Marcos, Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Irene Marcos-Araneta.

Inihayag din ng Korte Suprema na ibinasura ang Petition for Review on Certiorari ng Republic of the Philippines dahil sa kakulangan ng merito.

Noong 1987 ay sinampahan ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ng reklamo sa Sandiganbayan sina Marcos Sr., Imelda, Lucio Tan, Don Ferry, at dalawampu’t dalawang iba pa bunsod ng umano’y mga nakaw na yaman.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *