3 July 2024
Calbayog City
Local

Kolektor ng Lending, Patay sa Aksidente sa Leyte

PATAY ang isang lending collector matapos mabangga ng pick-up truck sa Brgy. Telegrafo, Tolosa sa Leyte.

Mag-aalas singko nang mangyari ang aksidente, January 24, 2024.

Kinilala ang driver na si alyas Vidal, 31 anyos, residente ng Brgy. Banayon, Dagami sa Leyte. At ang driver ng pick-up na si alyas Amac, 29 anyos.

Ayon sa Tolosa MPS, nangyari ang aksidente dahil nag-overtake ang pick-up sa naunang sasakyan dahilan para mabanga sa kasalubong na motorsiklo ng biktima.

Dead on arrival sa ospital ang sugatang biktima samantalang nasa kustodiya na ng Tolosa MPS ang pick-up driver upang harapin ang kasong ipapataw sa kanya.

(Photo courtesy to Oras ha Telegrafo Tolosa)

jm

editor
A leader and a former college instructor who loves to inspire people through writing. He is managing the JM Daily Inspiration social media accounts where he posts inspirational contents.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *