Arestado ang SUV driver na nahuli sa dashcam video na binangga ang isang motorcycle rider at pasahero nito sa Mandaluyong City.
Ayon sa Mandaluyong City Police, sinampahan ng reklamong attempted murder ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad.
Binabaybay ng mga biktima na magka-angkas sa motorsiklo ang EDSA Ortigas-Southbound lane sa Barangay Wack-Wak nang sadyang banggain sila mula sa tagiliran ng driver ng SUV.
Lumitaw sa pagsisiyasat na nagalit ang SUV driver makaraang magtangka ang motorcycle rider na mag-overtake.