Pinulong ni Samar 1st District Congressman Jimboy Tan ang mga pinuno ng mga paaralan sa bayan ng Sta. Margarita, para sa pagpapabuti ng edukasyon sa lalawigan.
Sumentro ang pulong sa mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng mga eskwelahan sa unang distrito ng Samar at ang potensyal na mga solusyon sa mga ito.
Sa pamamagitan ng mga dayalogo ay ipinakikita ni Tan ang kanyang patuloy na commitment sa development ng Samar 1st District, partikular sa larangan ng edukasyon.