NAKABALIK ang multi-titled coach na si Roger Gorayeb sa Premier Volleball League (PVL).
Kinuha siya bilang coach ng Capitol1 Solar Energy na pumalit sa spot ng binuwag na F2 Logistics, sa All-Filipino Conference na magbubukas sa Feb. 20, sa Smart Araneta Coliseum.
Nang malaman ang kanyang appointment ay agad nagsimulang mag-recruit ng players si Gorayeb at nagtakda ng tryouts sa San Sebastian College-Recoletos Gym, sa Mendiola, Maynila.
Kung napaaga ang appointment ni Gorayeb ay mamanahin sana nito ang isang loaded team, subalit nag-ober da bakod na sa ibang mga club ang malalakas na players.