6 October 2024
Calbayog City
National

Dating Pangulong Duterte, tatakbong Bise Presidente o Senador kapag inimpeach ang anak na si Sara

MAPIPILITAN si Dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong Bise Presidente o Senador kapag inimpeach ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Reaksyon ito ng Dating Pangulo hinggil sa umano’y pinag-uusapang planong impeachment ng ilang miyembro ng Kamara laban sa Bise Presidente.

Nagbanta ang nakatatandang Duterte na babalik siya sa pulitika at tatalikuran ang kanyang retirement, kasabay ng pagsasabing malapit na rin naman ang eleksyon.

Sinabi pa ng Dating Punong Ehekutibo na hangga’t buhay siya at wala pang dementia ay tatakbo siyang Vice President kung si Sara ang Presidente.

Sa bahagi naman ni VP Sara, tiniyak nito ang suporta sa anumang plano sa politika ng kanyang ama.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *