Kinumpirma ni COMELEC Chairman George Garcia na nasunog ang kanilang lokal na tanggapan sa bayan ng Sta. Margarita, sa lalawigan ng Samar.
Tiniyak naman ng Poll Chief na walang dapat ipag-alala dahil natapos na ang proklamasyon ng mga nanalong Barangay at Sangguniang Kabataan Officials, at “intact” ang kopya ng Certificates of Canvass of votes.
Ayon kay Garcia, natupok nang buo ang COMELEC Office sa Sta. Margarita.
Hinihintay pa aniya ng local COMELEC ang resulta ng imbestigasyon.