3 February 2025
Calbayog City
Local

Coastal waters ng San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar, positibo pa rin sa red tide

Positibo pa rin sa red tide ang mga shellfish mula sa coastal waters ng San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Batay ito sa resulta ng pinakahuling pagsusuri na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa kinolektang samples mula sa mga naturang katubigan.

Bunsod nito, lahat ng uri ng shellfish, gaya ng tahong at talaba, pati na alamang na hinango mula sa mga nabanggit na coastal waters ay hindi ligtas kainin.

Nilinaw naman ng BFAR na maaring kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta sariwa ang mga ito at hugasang mabuti, at alisin ang mga hasang at bituka bago lutuin.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *