LUMOBO na sa limampu’t apat ang bilang ng mga nasawi sa landslide na tumama sa Maco, Davao De Oro, sa gitna ng isinasagawang search, rescue, at retrieval operations.
As of 7 p.m. kagabi, umakyat na sa limampu’t apat ang patay, tatlumpu’t dalawa ang nasugatan at animnapu’t tatlo ang nawawala.
May mga narekober pang mga bangkay mula sa Barangay Masara na lubhang naapektuhan ng pagguho ng lupa.
Limitado lamang sa mga rescuer ang pagpasok sa ground zero para sa safety precautions, habang ang mga debris sa site ay inililipat sa kalapit na lugar.
Narekober na rin ang isa sa dalawang bus na natabunan ng gumuhong lupa at bato.