Nananatiling nakatutok ang administrasyong Marcos sa layuning maibaba sa 9% ang poverty incidence pagdating ng 2028.
Ayon sa National Economic and Development Authority, nagpapatupad na ang gobyerno ng short term measures upang maghatid ng agarang tulong sa mga nangangailangan.
Kabilang dito ang Food Stamp Program, pagtatanggal ng pass-through fees sa mga sasakyang naghahatid ng mga produkto, at pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance Program (RFFA).
Tinututukan din ang mga polisiya at programa sa paglikha ng mas maraming dekalidad na trabaho, tulad ng pagpapalawak ng market, pagpapaunlad ng imprastraktura, paghikayat ng strategic investments, at pagtuturo ng skills sa Filipino Workforce.
Makakatulong din ang ratipikasyon ng regional comprehensive economic partnership, modernisasyon ng agrikultura, at pagpapalakas ng lokal na produksyon.