Ini-enjoy ngayon ni Angel Locsin ang kanyang buhay na malayo sa spot light at sa social media.
Mahigit isang taon na mula nang huling masilayan ng publiko ang aktres sa instagram noong Aug. 13, 2022.
Ayon sa talent manager/youtuber na si Ogie Diaz, nasa bahay lamang si Angel at nalilibang sa paglalaro ng games sa kanyang cellphone.
Ibinalita rin ni Ogie na ini-enjoy ni Angel ang pagiging maybahay nito kay Neil Arce, kasabay ng pagsasabing hindi pa rin buntis ang aktres.
Samantala, marami naman ang umaasang magpapakita si Angel sa burol ng dati nitong talent manager na si manay Ethel Ramos.