NASA bansa na si NBA Star Jordan Clarkson para sa nakatakda nitong paglalaro sa koponan ng Gilas Pilipinas sa Fiba World Cup.
Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 si Clarkson, kahapon ng umaga.
Ayon kay Clarkson, excited na siyang mag-ensayo kasama ang iba pang players ng Gilas.
Inaasahan na rin ang pagbabalik sa bansa ng Gilas team matapos lumahok sa pocket tournament na ginanap sa China kung saan nakuha nito ang tatlong panalo mula sa apat na laban.