NAKABALIK na sa Ormoc City ang Headquarters ng 802nd Brigade mula sa Borongan City sa Eastern Samar.
Ito, ayon kay Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander 802nd Infrantry Brigade, ay bilang bahagi ng kanilang hakbang na mapanatili ang kapayapaan sa mga lugar na wala nang banta ng New People’s Army (NPA).
Mayo ng nakaraang taon nang magdesisyon ang liderato ng Army na ilipat ang brigada sa Borongan mula sa Ormoc habang Jan. 16 naman ngayong taon nang bumalik ang unit sa Ormoc.
Sinabi ni Vestuir na nakatutok naman ang 801st at 803rd Brigade sa paglaban sa mga rebelde sa Samar Provinces, partikular ang tangkang pagbawi ng NPA sa mga lugar sa Leyte, Samar, at Eastern Samar.
Ang 801st Brigade ay naka-base sa Hinabangan, Samar habang ang 803rd Brigade ay naka-base sa Catarman, Northern Samar.