3 July 2024
Calbayog City
Local

6 patay, 5 sugatan sa aksidente sa Calbayog City sa Samar

patay

KALUNOS-LUNOS and sinapit ng mga biktima nang maaksidente kaninang madaling araw bandang 2:50 ng Disyembre 24, 2023 araw ng linggo sa Purok 4, Brgy. Matobato, Calbayog City, Samar.

Nakilala ang mga biktima na pawang sugatan ay sina James Castilla, delivery driver at mga pasahero nito na sina Arnold Luaton Jr., Angeline Velasco, Shiela Mae Arsenal at Paquito Arsenal.

Habang dead on arrival naman sina Justin Arsenal, Princess Mae Arsenal, Trixie Roxas, Lisa Luaton, Richard Magcasi at Lara Jane Lera pawang mga taga Brgy. Malopalo, Calbayog City, Samar.

Sa inisiyal sa imbestigasyon ng PNP Calbayog CPS na habang ang sasakyang Rusi Chariot ay binabaybay ang direksyon mula Calbayog City patungo sa Brgy. San Policarpo area at pagdating sa nabanggit na lugar ng insidente, ang Rusi Chariot ay nagmaniobra pakaliwa patungo sa kabilang linya at hindi napansin ang early warning device na inilagay malapit sa isang nakaparadang sirang back-hoe kaya tumama sa CIBL Bus na bumabagtas sa kabilang linya mula Brgy. San Policarpo patungong Calbayog City.

Pagkatapos nito ang Rusi ay mabilis na gumulong pakaliwa kaya nahulog ang mga pasahero sa iba’t ibang direksyon na nagresulta ng pinsala sa mga biktima at agad na dinala sa Calbayog District Hospital para malapatan ng medikal na lunas.

Samantala, nakilala naman ang driver ng CIBL Bus na si Rowan Gino, apatnapu’t anim (46) na taong gulang at nakatira sa Road 4 Tinga Labac, Batangas City at dinala sa Calbayog CPS para sa tamang disposisyon.

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *