4 February 2025
Calbayog City
Province

3 Jeepney Drivers sa Pangasinan, patay dahil umano sa Heat Stroke

TATLONG jeepney drivers sa Pangasinan ang umano’y namatay sa heat stroke bunsod ng nakapapasong init ng panahon.

Sinabi ng One Pangasinan Transport Federation (OPTF) na iniimbestigahan na nila kung konektado sa mataas na heat index na nararanasan sa bansa ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang tsuper na mula sa Calasiao, at isa pa  na mula naman sa Eastern Pangasinan.

Inihayag ni OPTF President Bernard Tuliao na palagi niyang pinaaalalahanan ang kanyang mga kasamahan na kapag matindi ang init ng panahon ay magpahinga  muna at huwag nang ipilit na pumasada upang makaiwas sa peligro.

Pinayuhan din ni Dagupan Health Officer Ophelia Rivera ang mga nagta-trabaho sa labas, gaya ng traffic aids, pulis, delivery men, jeepney at tricycle drivers na palagiang uminom at magbaon ng tubig.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *