PINATAWAN ng Court of Arbitration for Sports (CAS) ang Russian Figure Skater na si Kamila Valieva ng apat na taong doping ban.
Kasabay nito ay ang pagbawi mula sa Russian Olympic Committee ng gintong medalya sa team event na kanilang napanalunan sa 2022 Beijing Winter Games.
Sa pinakahihintay na ruling, hinatulan ng pinakamataas na korte sa sports si Valieva ng guilty sa paglabag sa anti-doping rule na kumalampag sa Beijing Olympics.
Matiyaga ring inabangan ng mga dismayadong competitors ang hatol upang maigawad sa mga tunay na nanalo ang mga medalya.