27 April 2025
Calbayog City
Local

Zoning Regulations, mahalaga sa pagsusulong ng maayos na Urban Development sa Calbayog City

zoning regulations

PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang kauna-unahang pulong ng Local Zoning Board of Appeals, kung saan nagtipon-tipon ang mga lider ng komunidad at stakeholders para talakayin ang vital zoning issues sa lungsod.

Sumentro ang pulong sa zoning issues sa komunidad, paghahanap ng mga potensyal na solusyon, at pagpa-plano para sa urban development sa hinaharap. 

Binigyang diin ni Mayor Mon ang kahalagahan ng zoning regulations sa pagsusulong ng maayos na urban development, pangangalaga sa interes ng komunidad, at pagtiyak sa maayos na paggamit ng land resources.

Hinimok din ng alkalde ang lahat ng mga dumalo sa isang open dialogue at aktibong partisipasyon para sa ikatatagumpay ng kanilang layunin na magkaroon ng sustainable at inclusive urban environment para sa lahat ng Calbayognon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *