IKINASAL na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.
Tila itinaon ang sektretong pagpapakasal ng dalawa sa mismong ika-tatlumpu’t dalawang taong kaarawan ng aktres noong Sabado, March 23.
Sa post ni Zanjoe, kahapon, binanggit muna nito ang petsa, sabay ang pagbati ng happy birthday sa kanyang “wife” na si Ria.
Samantala, sa mga larawang ibinahagi ng kanilang official photographer na Nice and Print Photography sa social media, makikita sa background ang sagisag ng punong lungsod ng Quezon.
Nangangahulugan ito na ikinasal sina Zanjoe at Ria sa pamamagitan ng civil wedding ceremony sa Quezon City Hall.