28 April 2025
Calbayog City
Local

Young artists mula sa Samar, tampok sa Artablado 

ITINAMPOK ang mga young artists mula sa Samar, partikular ang Baghid Eastern Visayas Young Visual Arts Association sa Artablado, na matatagpuan sa Robinsons Galleria at Robinsons Antipolo.

Itinatag ng visual artist na si Aristotle “Aris” Ventures ang grupo ng binubuo ng kanyang mga dating estudyante at graduates mula sa Calbayog Arts and Design School of Eastern Visayas (CADSEV).

Pinangalanan itong Baghid, na salitang waray na “Stoke”  o  ang paghagod ng panulat, lapis  o brush kapag gumuguhit o nagpipinta.

Binuo ni Ventures ang grupo bilang paraan ng pagtulong niya sa kanyang mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang passion sa art, sa kabila nang iniwan na niya ang pagiging guro.

Ang Baghid Eastern Visayas Young Visual Arts Association ay dati nang nagkaroon ng exhibit sa Eastern Visayas, Baguio, at Angono, Rizal.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *