Inanunsyo ni three-time WNBA champion at two-time US Olympic champion para sa United States na si Candace Parker ang kanyang retirement sa larangan ng basketball matapos ang labing-anim na WNBA Seasons.
Ang 38-year old Power Forward na dalawang beses ding itinanghal bilang WNBA Most Valuable Player ay nag-average ng 16 points, 8.5 rebounds, 4 assists, 1.5 blocked shot, at 1.3 steals.
Nanalo si Parker ng WNBA titles noong 2016 sa ilalim ng Los Angeles Sparks, 2021 sa Chicago Sky, at noong nakaraang taon sa Las Vegas Aces.
Nagwagi naman ng Olympic Gold Medal si Parker noong 2008 at 2012.