22 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Wave 89.1, nagpaalam na sa ere makalipas ang halos 50 taon

OPISYAL nang nag-sign off ang FM radio station na Wave 89.1, makalipas ang apatnapu’t siyam na taon.

Sa facebook page ng Wave, nakasaad ang mga katagang “The end is here.”

Pinasalamatan ng istasyon ang lahat ng mga sumuporta sa kanila sa mga nagdaang taon, gayundin ang mga dating DJs, managers, directors, technicians, guests, at lahat ng mga tumungtong sa kanilang studio.

Batay sa reports, ang Adventist Media ang magte-takeover at posibleng religious content ang kanilang ibo-broadcast.

Unang sumahimpapawid ang 89.1 noong 1975, at karamihan sa kanilang pinatugtog ay dance at hip-hop songs.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *