MAGPAPAKALAT ang PNP ng walunlibo limandaang pulis upang matiyak ang seguridad sa mga aktibidad na may kinalaman sa ika-tatlumpu’t walong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa pebrero a-bente singko.
Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., dalawanlibong pulis ang ide-deploy nila sa Cebu habang animnalibo sa Metro Manila.
Aniya, posibleng mabago pa ang bilang, depende sa matatanggap nilang intelligence reports.
Tiniyak din ng Chief PNP na ipatutupad nila ang maximum tolerance, kasabay ng apela sa mga magra-rally na gawing mapayapa ang isasagawa nilang mga aktibidad.