15 February 2025
Calbayog City
National

VP Sara Duterte, sinabing ‘napakalayo pa ng 2028’ matapos manguna bilang Presidential Bet

INILAGAN ni Vice President Sara Duterte ang mga espekulasyon kaugnay ng 2028 National Elections, kasunod ng statistical tie na nakuha nila ni Senador Raffy Tulfo bilang top choices sa pagka-pangulo sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Sa ambush interview, sinabi ni VP Sara na napakalayo pa ng 2028 para pag-usapan.

Aniya, sa ngayon ay nakatutok siya sa kanyang trabaho bilang bise presidente at kalihim ng Department of Education, at pati na sa nation-building.

Sa survey na isinagawa noong March 6 hanggang 10, nakakuha si Tulfo ng 35 percentage points habang si Duterte ay nakatanggap ng 34 percentage points.

Una nang inihayag ni VP Sara noong November 2023 na wala siyang planong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2028, subalit pagsapit ng Enero ay sinabi niyang muli siyang kakandidato pero hindi nito isiniwalat kung anong posisyon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *