PRESENT si Vice President Sara Duterte sa Bagong Pilipinas Kick-Off Rally na ginanap sa Quirino Grandstand, sa Maynila.
Bago mag-alas kwatro ng hapon, kahapon, ay dumating si Duterte sa venue ng event, na pinangasiwaan ng Presidential Communications Office.
Sinabi ni VP Sara na suportado ng buong Department of Education na kanyang pinamumunuan ang 8-Point Socioeconomic Agenda ng Marcos administration.
Inihayag din ng Bise Presidente na suportado rin niya ang prayer rally sa Davao City para tutulan ang isinusulong na Charter Charge.